Kasaysayan ng MABABANG PAARALAN NG DON ENRIQUE BAUTISTA
(noon Mababang Paaralan ng San Francisco)
Ang Don Enrique Bautista Elementary School o dating San Francisco Elementary School, ay itinayo noong 1947, ito ay nagsimula lamang na mayroong , isang daang walong mag-aaral at walong guro. Ang unang anim na klase ay ginaganap sa pamamahay nina G. Leodegario Calabia, G. Fulgencio Calabia, G. Dioscoro Calabia at G. Lauro Bacod. Sa paglipas ng panahon napagtanto ng mga mamayan ng Brgy. San Francisco na kailangan ng mas komportable at maayos na paaralan para sa mga mag-aaral ng barangay San Francisco. Noong taong 1950, sa pagtutulungan ng mga guro at mamayan naitayo ang 1-4 uri ng gusali sa paaralan at ito ay itinayo sa 10,009 sq.meter na lupa na donansyon ng isang mabait at may pagpapahalaga sa edukasyon na si Don Enrique C. Bautista Sr, na nagmamay-ari ng malawak na lupain. Ang populasyon ng mag-aaral ay tumaas sa paglipas ng taon. Sa pamumuno ni Gng. Ester P. Cabela ang pangalan ng paaralan ay pinalitan ng Don Enrique Bautista Elementary School ito ay sa ilalim ng act of congress ( Republic Act 6668)noong July 27, 1987 sa pag –alala sa kabutihan ginawa ni Don Enrique Bautista Sr. sa mamayan ng barangay San Francisco.
Mga pangalan ng mga naging punong-guro ay ang sumusunod : Mr. Eugelio de Mesa 1947-1951 ,Mr. Leopoldo Brion 1957-1961 , Mr. Juan Del Barrio 1961- 1962 , Mrs. Ester Ramos 1963-1967 , Mr. Arsenio Gamaro 1967-1968 , Mr. Dominador Angeles 1968-1969 , Mr. Benito G. Wico 1970 -1979 , Mrs. Ester P. Cabela 1980- 1986 , Mrs. Delia Sunega 1987-1988 , Mr. Reynaldo C. Danila 1988-1989 , Mr. Cecilio B. Perez 1990-1995 , Mrs. Aurora Punzalan 1995-1996 , Mr. Romeo V. Santos 1996-1999 , Mrs. Dominga Abad 2001-2004 , Ms. Nory A. Alcantara 2005-2006 , Mr. Hemenes F. Bagsic 2006-2009 , Mr. Henry P. Contemplacion 2009-2011 , Mrs. Michelle M. Dorado 2011 -2015 , Mrs. Daniella Hernandez 2015 , Mrs. Kristel Iris E. Igot 2015-2020, Rosa M. Garcia 2020 - hanggang sa kasalukuyan.
Isinulat ni
Mary Grace Aspa